SUSTAINABLE BONSAI SA BAKURAN
Sustainable gardening is a term that has no technical definition. It’s the concept of using gardening practices that cause no harm to the earth and its inhabitants while attempting to actually enhance it. –finegardening.com
Ano ang Sustainable Gardening?
Marahil ay narinig mo na ang tinatawag na sustainable gardening. Ito yung hindi pag gamit ng anomang produkto o paraan na nakakasira sa kalikasan.
Pwede din ba ito sa bonsai?
Ang sagot ay, oo! Pwedeng pwede ito. Karamihan sa atin ay nasanay na paghahanap ng mga materyales sa mga shorelines (bantigue) o kagubatan (karamihan ng materyales). Kung hindi kaya ay ang pagbili sa mga tinatawag na bonsai hunters / sellers na karamihan matatagpuan online. May kanya kanya dayong dahilan at paraan kaya mas pinipili natin ang pag hunt o pag bili subalit hindi natin maitatanggi na may malaking negative impact itong maidudulot sa ating inang kalikasan.
May ibang sellers o hunters na maaring wala pang sapat na kaalaman tungkol sa negatibong epekto ng sobrang pagkuha ng ilang endangered species ng puno o halaman sa kalikasan kagaya ng sikat na punong kilala nating lahat, ang bantigue.
Sustainable Bonsai Gardening ang Solusyon!
Ngunit ano nga ba ang solusyon upang maputol na ang maling gawi na nakakasira ng kalikasan? It ay ang sustainable bonsai gardening/farming kung saan ang mga materyales na ginagamit sa pagaalaga ng bonsai ay nagmula sa cuttings o seeds at ang ibat ibang paraan ng propagation para maparami ang mga puno at halaman.
Ang pagpaparami ng mga puno sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan at malaking tungkol upang manumbalik ang sigla ng mga wild na puno at halaman sa kanikanilang lugar gubat man o shorelines.
Ang kagandahan pa nito, pwede mo itong gawin sa loob na rin mismo ng iyong bakuran. Hindi mo na kailangang gumastos upang bumili ng mga na-hunt na materyales o di kaya’y pumunta pa sa mga piligrosong lugar kung saan nandoon ang mga yamadoris.
Ang ilan sa mga bonsai materials na maaring paramihin sa pamamagitan ng cuttings ay ang mga sumusunod:
1. Balete
2. Premna
3. Bantigue
4. Melendres
5. Mulawin
6. Kalyos
7. Hibiscus
Mga bonsai materials na maaring paramihin da pamamagitan ng seeds:
1. Kaimito
2. Bayabas
3. Lemoncito
May iba kapa bang alam na bonsai materials na wala sa listahan? Mangyaring magcomment at idadagdag natin ito sa ating listahan.
Konklusyon
Ang sustainable bonsai gardeing ay isang napaka gandang paraan upang mabigyan ng sapat na supply ang dumadaming bilang ng bonsai collectors o hobbyists sa Pilipinas. I-try natin ito ang ishare sa ating bonsai community ang ating mga experiences. Sa ganitong paraan, mas maraming matutoto at makakalam sa napakagandang benepisyo ng pamamaraang ito.