Proven Ways to Thicken the Trunk Base of Your Bonsai Trees (Tagalog)

thicken the base of bonsai
Share

Paano nga ba nating mapapa-thicken ang base ng ating mga bonsai trees? Isa sa mga masusing pinag-aaralan at inoobserbahan sa sining ng bonsai ay ang mga pamamaraan na ukol sa kung papaano makukuha ang maganda at typical na proportion ng trunk, magmula sa base nito hanggang sa apex o crowning top. Kaakibat ng pag-aaral na ito ay ang ilan sa mga methods /techniques kung paano natin mapapataba at makukuha ang inaasam natin na size ng trunk para sa mga alaga nating bonsai. Sa aking naging karanasan sa pagbobonsai ay mayroon akong anim(6) na pamamaraang ginagamit at nais na maibahagi sa inyo, ito ay ang mga sumusunod:

bonsai thick trunk

‌SCARRING METHOD

Ang pamamaraang ito ay kadalasan kong ginagawa sa ilang mga species na katulad ng Hibiscus tiliaceus (H. Taiwan), Premna microphylia (Argao Taiwan), Tamarindus indica (Sampalok), Vitex parviflora (Tugas), at sa kahit anong species ng BALETE. Kung mapapansin nyo, ang lahat ng mga species na nabanggit ko ay mga fast growing species ng puno. Kung kaya’t ginagamit ko dito ang SCARRING METHOD. Ito ay isang techniques sa pagpapalaki ng base ng trunk kung saan ang base ng puno ay paulit-ulit na sinusugatan o nilalagyan ng maliliit na hiwa ang balat. Sa bawat paghilom ng mga sugat ay sinusundan ulit ng panibagong paghihiwa/pagsusugat. Makabubuting panatilihing sterilized ang talim na ginagamit natin sa paghihiwa upang maging safe ang prosesong ito para sa puno. Sa proseso ring ito ay kinakailangan ang maingat at monitored na pagdidilig at pag fertilize sa mga alaga natin, upang maiwasan ang anumang hazardous organisms/substances na maaring dumaan sa sugat at  makasira sa puno; ugaliin rin ang pag spray ng fungicide pagkatapos gawin ang prosesong ito. Habang lumilipas ang panahon ay mapapansin natin na lumalaki na at nagbabanil na ang trunk base ng mga alaga natin, at dahil ito sa paghilom ng mga sugat na ginawa natin sa trunk.

‌TAPERING METHOD

When it comes to our bonsai trees, acquiring the right proportion of the trunk is one key factor in creating a good-quality bonsai. Ako po, sa aking munting karanasan sa pagbobonsai ay natututong tumingin sa bonsai at pumuna sa proportion at sizes ng trunk nito. Paano nga po ba natin dapat tingnan ang trunk ng bonsai natin? Ako po ay tumitingin muna sa base nito which is the NEBARI, then following the NAGARI(flow) of the trunk line, pataas. The base of the tree should always be the thickest part. Pero may mga instances din po kung saan ang puno natin ay nagpapakita ng equal proportions mula sa base nito hanggang sa upper part. Dyan po natin dapat magamit ang application of TAPERING METHOD. Tapering simply means ‘to become thinner or narrower towards the end’, thanks to Google sa pagbibigay sakin ng definition. 

May mga pagkakataon na ang trunk ng puno ay matuturing natin na HOTDOG TRUNK (trunk which expose an equal proportion from bottom to top), at kailangan natin itong magawan ng paraan. Tapering is one key para maminimize ang hotdog trunk. Ang tapering ay isang pamamaraan ng pag putol natin sa trunk ng ating mga bonsai materials, leaving the lower part of the trunk; sa pagpuputol ng trunk tataas ang chance na lumaki pa at tumaba ang base ng puno. Matapos iyon ay pipili tayo ng isang sanga sa uppermost part ng natirang trunk na syang patutuluyin natin at magiging part na ng trunk line in the future.

‌TRUNK FUSING

Ang pamamaraang ito ay mas applicable sa ating mga ficus materials (red balete, golden ficus, benjamina, ficus nana, tiger bark, etc.). Ito ay pamamaraan ng pagbuo ng isang malaking puno, gamit ang maraming maliliit na puno. Sa pamamaraang ito, binibigkis o pinagsasama-sama ang maliliit na trunks, habang ang mga CAMBIUM nila ay naka expose sa bawat isa upang sa pagdating ng panahon ay mag fuse sila bilang isang malaking puno. Ang CAMBIUM po ay ang green growth tissue na nasa ilalim lang mismo ng bark ng branches o trunk. May mga pamamaraan din para mapagfuse sila sa bawat isa. Sa aking naging experience po ay gumagamit ako ng lumang goma ng interior na gulong ng sasakyan upang gawing pa tali o pambigkis sa kanila. May ilan din naman po na gumagamit ng wires, kaso ang hassle sa wire ay ang growth ng puno, dahil sa paglaki ng puno ay may tendency na kainin nito ang wire o mag scar ang bark nito, which is damaging to the tree. May mga gumagamit din po ng tapes, katulad ng electrical tape at masking tape, upang maibigkis ng mahigit ang mga trunks. 

‌APPLICATION OF WET TOWEL

Sa isang tutorial video po ni Sir Ogie Uyehara ay nakita ko ang use of wet towel. Ito po ay mapapanood nyo sa video nya na tungkol sa creation of guava bonsai through clip-and-grow process. Nabanggit din po niya doon ang paggamit nya ng wet towel bilang pangtaklob sa base mismo ng trunk, upang mag maintain ito ng moisture sa trunk at sa pagdating ng panahon ay magcreate ng pagbabanil sa base ng trunk na ito. All thanks to sir Ogie Uyehara kasi inaapply ko na rin po ito sa iba kong bagong materials ngayon, at nagiging satisfied ako sa on-going results ng process. 

Also Read:

Bonsai Pests And Diseases

How to Propagate Premna Microphyllia

Best DIY Bonsai Soil Mix

‌AIR LAYERING

Ang pamamaraang ito ay napakabisa ring gawin sa mga alaga nating ficus. Kung gusto nating bigyan ng bulk and thickness ang trunk ng ficus natin, then, why not make use of its roots? Ito ay pamamaraan kung saan ang bawat piling sanga at portion ng trunk ay susugatan at ieexpose ang cambium. Matapos iyon ay mag-aapply tayo ng soil medium (mas maganda kung sphagnum moss) sa bawat nasugatang portion ng puno, at maari rin tayong gumamit ng kahit na anong raw materials na maaring pambalot sa medium na iniapply natin. Paglipas ng mga araw at buwan, mapapansin natin ang pagsibol at paglaki ng mga ugat mula sa mga nasugatan na portion ng puno. Hahayaan lang natin itong tumaba hanggang sa makipag fuse na ito sa mismong puno, at magiging parte na rin ito ng trunk. 

‌MAKING USE OF SACRIFICIAL BRANCHES

Isa po ito sa epektibo ring pamamaraang upang mapalaki ang trunk ng bonsai natin. Ito po ay proseso ng pagpapatubo at pagpapalaki ng mga sanga sa part ng trunk kung saan gusto nating madagdagan ang thickness nito. For period of months or year, hahayaan lang po nating lumaki ang branch sa nasabing part ng trunk; at kapag nakuha na natin ang satisfying thickness ng trunk, saka natin aalisin ang nasabing mga sanga na nilaan natin for sacrificial purposes.  

Ito po ay ilan lamang sa mga methodologies na makakatulong sa atin upang makabuo tayo ng isang magandang bonsai. Patuloy pa rin tayong mag-aral at tumuklas pa ng ibang mga pamamaraan sa sining ng pagbobonsai, at nawa ay makapagbahagi rin tayo sa mga susunod pa na mga panahon. Lagi rin pong tatandaan na sa kahit na anong pamamaraan o techniques na gawin natin, mahalaga pa rin na lagi nating isaalang-alang ang health and safety ng ating mga bonsai. At lagi rin pong tandaan… “Pag ang bonsayista ay may tyaga… Nagiging obra ang mga alaga.”

Kitakits sa mga susunod na updates. 🙏😁

Jan Cueto

Jan Cueto is a bonsai artist from Oriental Mindoro, Philippines. He is the Vice President of the Sandugo Bonsai Society (SBS), a group dedicated to promoting the art and culture of bonsai in the region. Jan has been practicing bonsai for many years, and his passion for art has made him a respected figure within the local bonsai community. He is known for his skill in creating beautiful miniature trees that reflect the natural beauty of the Philippines trees. In addition to his role at SBS, Cueto is also a mentor to aspiring bonsai artists, sharing his knowledge and expertise with those who are just starting out in the field. He is dedicated to spreading the joy and beauty of bonsai to as many people as possible.

You may also like...

2 Responses

  1. Joshua says:

    Magnda ang artikulo na gnawa mo kapatid.na ilahad mo ng ayos.mas maganda lang sana kung purong tagalog.para labas na labas ang pag kapinoy na bonsayista..

  2. Joshua says:

    Mas maganda sana kng me maiksing bidyo rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *