Just One More Scroll (Tagalog)
Intro: 15 minutes na lang 12:00 midnight na. Scroll pa more bago tuluyang ipikit ang namumugtong mata.
Hindi ito bago pero usong uso.
Lahat nakatungo habang nakapila sa kanto.
Ng dumating ang jeep muntik ka nang mabunggo.
Oh come on ano naman ang bago?
Di maisara ang phone,
kakaintay sa sunod na notification.
Oh my gosh i-message ko kaya si crush?
Hoy ikaw ay huminahon
baka ang message mo ay ma-seenzone!
Inaabot na ng gutom pero wala pa ring tigil.
Di na papipigil kahit ikaw ay manggigil.
Nang umuso ang wifi nakalimutan ng kumain ng gulay.
Yun daw ang tunay
online world ay makulay.
Walang ganito dati
kaya excited palagi.
Day and night, feeling good, feeling happy, picture laging nakapost sa IG
Post pa post pa sige lang ng sige.
Men badtrip badtrip,
ako ay naiinip.
Wifi ni kapit bahay,
password biglang inilagay.
Di ko tuloy ma-access
FB kong nakakamiss.
Groupie, selfie, walang pinapatawad.
Kahit mapuyat ng sagad sagad.
Basta connected ang phone,
upload lang ng upload ang peg ni balbon.
Biglang dumami ang cute
Pati na ang mga bayot
Utang kay camera 360
Ang kabighabighaninh beauty.
Wag nang umarte
Mag login ka na te
Alamat ng sayote
Nagmula sa tanong na “kaninong gulay to te?”
Kahit anong mangyare
Basta nanjan ka palagi
Off to the market ang sunod kong post
Pag ni-like mo siguradong tayo ay magiging close
O my gosh trending
Ang post ko mga comments parang walang ending
Mukang ako’y magiging instant pop
I’m not ready for this ang hirap.
Kilos bakit ganito nga ba?
Dating life maibabalik pa ba?
Itanong na lang kay Google ang sagot.
Wag ka ng malungkot.
