Bantigue (Pemphis Acidula) Bonsai: Grow and Care Guide (Tagalog)
Good day to you all, mga ka-Pinoy Bonsai. Ngayon ay mayroon na naman tayong isang mahalagang topic na popokusan. Marami na po sa atin dito sa Pilipinas ang naeengganyong magbonsai at tuklasin pa ang pagbobonsai. It is a good thing na tayo po ay nasa isang Tropical Country kung saan, mabubusog ang ating passion for bonsai sa pamamagitan ng nagraramihang species ng broadleaf at decidous trees na available sa bawat area o location na nilalagian natin. Malamang rin po na karamihan sa atin o halos lahat tayo ay pamilyar na sa isang specie ng puno na sikat na sikat dito sa bansa natin at talaga namang award winning sa mga bonsai shows, not just here in our country but overseas as well. Opo! Tama po kayo! BANTIGUE nga po ang tinutukoy ko mga kabonsai! 😁
Ngayon po ay naririto ulit ako upang ibahagi sa inyo ang ilan sa mga pamamaraan upang mapanatiling buhay at malusog ang mga alaga nating bantigue. Pero bago po yun, bibigyan ko muna kayo ng slight background tungkol sa specie na ating tinatalakay.
Ang Pemphis acidula po o karaniwang tinatawag natin na ‘BANTIGUE’ ay nabibilang sa family ng Lythraceae, o mga halaman/shrubs na bumubulaklak ngunit mayroong unequal na stamens. Ito po ay uri ng mangrove/bakawan na usually ay matatagpuan sa mababatong dalampasigan ng tropical Indo-Pacific countries na katulad ng bansa natin.
Dagdag pa rito, ang bantigue po ay tinuturing na isang uri ng HALOPHYTE, o halaman na well-adapted sa maalat na tubig o tubig dagat at kinakailangan ang saline (tubig alat) para mabuhay.
TIPS & GUIDELINES
COLLECTING
Hindi po biro ang kumuha ng ganitong klase ng uri ng puno, full of hassles and hazards po. Lalo pa at alam naman natin na ipinagbabawal na talaga ang pagkuha nito sa wild dahil listed na po ang bantigue as one of the endangered species of trees dito sa Pinas.
Dahil nga po ito ay matatagpuan natin sa mababatong lugar, kuminsan po ay makukuha natin ito na kasama ang portion ng bato na kinakapitan nya. Ang ilan naman po sa mga hunters/yamadori collectors ay gumagamit ng mga cutting edge tools na katulad ng sinsel, paet, palakol, etc. Para maihiwalay ang ugat nito mula sa batong kinakapitan nya; at ang mga pamamaraang ito ay nakapagpapa-stress sa puno. Kung kaya’t kailangan na maging maingat sa pagkuha.
![]()
PLANTING
Dahil nga po ang bantigue ay isang halophyte na uri ng puno, kinakailangan po nya ang atmosphere na kinasanayan nya. Kung kaya’t ang unang dapat nating matutunan ay kung paano natin maiimitate o gagayahin ang atmosphere/environment kung saan natin sya nakuha. Sa ganitong punto po ay gagamit tayo ng pure sand sa pagtatanim.
Nirerecommend ko po ang medium sized na white sand para sa kanya at mas okay kung may mga dead corals o basag na mga corals. Pero kung river sand po ang gagamitin ay okay lang, basta ugaliin po munang hugasang mabuti ang riversand hanggang sa luminaw ang tubig na pinaghuhugasan nito. Matapos po itong hugasan, isuspend po natin ang riversand sa salt water bago natin itanim ang bantigue. Linisin din nang mabuti ang puno ng bantigue bago natin ito itanim, upang matanggal ang mga contaminants na nakakapit dito, kasabay ng paglilinis sa puno ay ang pagbibigay ng clean cut sa mga roots at branches nito upang marefresh siya mula sa stresses nya.
Bago natin itanim ang material, ugaliing i-check kung well draining ba ang pot na ating paglalagyan sa kanya. Bago natin tuluyang itanim ang bantigue, maglagay na rin tayo ng anchor wires sa pot kung saan ikakapit natin ang base ng trunk, ito ay upang maiwasan ang pagkastress ng roots sa mga vibrations sa paligid.
LAYERS OF SAND MIXTURE
Sa pagtatanim natin ng bantigue, may layers ng sand tayong susundin: una, maglagay ng medium sizes pebbles sa pinakang ilalim, ito ay upang masiguro natin na nakalalampas nang mabuti ang tubig na ididilig natin sa puno; pangalawa, ilapag ang sand na gagamitin natin, lalampas ito sa kalahati ng mismong pot kung kinakailangan, at saka natin ilalapag ang material. Kapag naiposisyon na nang mabuti at naikapit na ang material sa anchor wires, sisimulan na natin itong dagdagan ng sand upang matabunan ang base at roots.
Also Read:
Bonsai Care Guide – What You Need to Know
WATERING AND CONDITIONING (early stages after planting)
Matapos itanim ang material ay didiligin natin ito ng salt water at hahayaan sa isang area kung saan nasisikatan lamang ng araw tuwing umaga, simula 8am hanggang 9am. Ugaliing diligin ang material, at least 2-3 times a day kung kinakailangan. Ang pagdidilig nito sa buong week ay may alternation na tatlong beses ang salt water sa loob ng isang linggo, at apat na beses ng fresh water. Ang pagdidilig dito ay may alternate na pattern. Sa experience ko rin po ay hindi ako gumagamit ng ICU para sa mga bantigue na tinatanim ko, enough na para sa kanya ang humidity ng paligid nya at hindi na nirerequire pa ang ICU.
GROWING & MAINTAINING
Kung inaakala natin na backbreaking process na ang pagtatanim ng bantigue. How much more ang pagpapanatili nito na mabuhay at maging malusog? Kinakailangan ng bantigue ang enough na atensyon upang mapanatili natin itong malusog, maganda at buhay. Ito ang ilan sa mga guidelines na maibabahagi ko upang mapanatiling pogi ang mga bantigue nyo:
- Ipagpatuloy ang alternate pattern ng pagdidilig na nabanggit sa itaas.
- Ugaliing i-check palagi ang puno kung may mga possible fungi or aphids na kumakapit dito. Kung mayroon man, agad silang tanggalin at linising mabuti ang puno.
- Mag-imbak ng salt water: kinakailangan ito bilang pang spray sa leaves and branches ng bantigue, upang mapanatili ang moisture nya sa katawan. Ginagawa ito nang at least 3 times a day.
- Makalipas ang isa o dalawang buwan mula sa pagkakatanim nito, maari na itong ilipas sa lugar kung saan maeexperience nito ang full sunlight. Nakakatulong ang sunlight upang mapalusog at mapahaba ang mga shoots ng bantigue.
- Sa early stages ng buhay ng isang bantigue, kung ninanais natin na ma-achieve ang magandang sizes at proportion ng mga branches nito, iwasan natin na ito’y pabulaklakin. Kung may sisibol na bulaklak, makabubuting tanggaling natin agad, upang hindi nito maagaw ang sustansyang dapat ay sa mga branches lang mapupunta.
- Ugaliin ang pinch pruning sa ating mga bantigue. Ang bantigue po ay parang juniper din kapag inaalagaan, kailangang mapanatili nating malinis at may enough spaces ang bawat pocket branch nito, upang makapasok nang mabuti ang sunlight sa mga branches at maiwasan ang pagkapit ng aphids dito.
- FERTILIZING: Isa ito sa mga susi upang mapanatiling pogi ang ating bantigue. Ito ang ilan sa mga paraan at mga fertilizer na maari nating gamitin:
- Wag na wag gagamit ng kahit na anong abono na pampabulaklak. Mapupwersa na bumulaklak ang bantigue, at ito ang nakapagpapagulang agad sa mga branches, dahilan kung bakit bumabagal agn pagtaba ng mga branches.
- At once every 15 days, diligin ito ng BAGOONG (fish paste) na diluted sa tubig. Ang ratio na ginagamit ko ay 4 tablespoons sa 1 liter na tubig. Nakadepende pa rin ang magiging ration nito sa kung gaano kalaki ang puno at kung gaano rin kalaki ang training pot nito.
- Isa sa pinakamurang paraan ay ang paggamit ng asin, maari natin itong iapply directly sa ibabaw ng sand mixture. Pero sa experience ko, maari rin natin itong idilute sa tubig at saka idilig sa puno. Ang ratio na ginagamit ko dito ay 1 cup salt = 6-7 liters of water. Pinapasawa po sa dilig ang puno, kailangang lumampas sa drainage hole ng pot ang tubig.
- Maaring gumamit ng FISH AMINO ACID bilang pataba sa bantigue. May nabibili nito sa ating mga local agri shops. Medyo may kamahalan nga lang. Pero kung hindi natin afford. No worries po. Nakukuha ang amino acid mula sa isda; kaya’t kapag bumibili tayo ng mga isda bilang pang-ulam natin, maari nating i-ferment ang mga pinaghasangan o pinaglinisan nito. Wag lang masyadong tight o mahigpit ang pagkakaselyo sa container kasi may tendency na pumutok ito o maputukan tayo kapag bubuksan na natin ang container. Mas mabisa po ito kung hahaluan natin ng molasses o kung wala naman ay kahit asukal lang. Nakadepende rin sa dami ng ating ipe-ferment na amino acid ang gagamitin nating molasses o asukal.
- Ang tubig po kung saan natin hinugasan ang mga isda na nabili natin ay maari rin nating idilig sa bantigue natin.
- Maari po tayong gumamit ng dried seaweeds bilang organic fertilizer sa mga bantigue natin. Hindi lang po ito nagsisilbing organic fertilizer, nagsisilbi rin po itong soil pavement para sa bantigue natin upang hindi maging jighly exposed sa init ang sand mix at hindi magkaroon ng burns ang mga ugat. Nire-regulate po nito ang temperature sa ilalim ng sand mix. Ang mga ginagamit ko po na seaweeds ay LAMINARIA (dahong-dagat) at CODIUM (pansit-pansitang dagat kung tawagin dito sa lugar namin).
- Gumagamit din po ako ng Complete 14-14-14 para sa bantigue. Dahil ang bantigue po ay nangangailangan rin ng nutrients na N-K-P, ito ay upang maboost ang pagdami ng foliage, pagtaba at pagiging firm ng branches at trunk, at pagiging healthy and stable ng roots.
Where can I find bantigue tree?
The bantigue species is frequently found in certain regions and has a widespread distribution. It is considered to have a stable population in the Pacific Islands, but there has been a decrease in numbers in some locations due to habitat destruction and harvesting for the bonsai trade. This species can be located in sandy shorelines near or below the high-tide line, inlets within mangrove forests, thickets of coral rock, areas exposed to salt spray, and drier parts of swamps. Additionally, it can also be found on coastal limestone rocks, cliffs, and limestone bedrock outcrops on atolls.
Is bantigue endangered?
The Philippine bantigue is a plant species that is threatened and widely utilized for bonsai creation. In 2018, some illegally obtained bantigue were confiscated by the DENR.
Bantigue Bonsai Pricelist
The price of bantigue bonsai is determined based on several factors. Just like how sellers normally price other bonsai trees is almost the same way a bantigue. The only difference is that bantigue trees are a bit higher as their collection involves a lot of risks. Some bonsai hunters risk their lives just to get the best bantigue bonsai material to sell. To give you an example which is based on my own experience, a small bantigue bonsai material would not go lower than P350 while the bigger and more exotic ones could go up to P3,000-P10,000 plus shipping fee. Most sellers from Southern Philippines (Davao area) sell bantigue at around this price range.
Final Thoughts
Ang bawat uri po ng puno ay nangangailangan ng kaakibat na pangangalaga. Ang bantigue po ay isa sa mga patunay doon. Hindi po maaari na kung paano natin alagaan ang isang uri ng puno ay nangangahulugan na ganoon din sa iba pang mga uri. Ang bawat specie ng puno ay may kanya-kanyang mga pangangailangan upang mabuhay, kung kaya’t nararapat po lamang na ugaliin nating maging mapag-obserba dito at mapanalilsik.
Pag-aralan po nating mabuti kung paano nabubuhay ang mga alaga natin. Sila ay parang mga tao rin na mayroong mga ayaw at gusto, at iyon ay magkakaiba rin. Kung kaya’t ito ay dapat nating siyasatin at unawain. Maging malawak ang isip at maging bukas po tayo sa mga bagay na maari pa nating matutunan sa pag-aalaga ng bantigue at ng iba pang mga puno.
Hanggang sa susunod po na updates, thanks and kitakits mga ka-Pinoy Bonsai! 🙏🤜🤛