Bakit Kung Minsan Dapat Padaya Ka Na Lang
Naranasan mo na bang madaya? Yung tipong sa huli mo na narealize na naisahan ka pala. Eh ang magpadaya? Knowing na ikaw naman talaga ang tama pero nanahimik ka na lang kasi ayaw mong lumala yung sitwasyon?Hindi kumportable ang malagay sa posisyon na ikaw ang naagrabyado o natalo, PERO minsan may mabuti din palang epekto yun. Mahaba kung ikikwento ko pa pero personal kong naranasang tumingin na lang, magkibit balikat at manahimik habang nasa sitwasyong kailangan ko nang gumanti, magmura o manuntok. Wala, kalma lang ako. Hindi sa tinatamad ako o hindi ko kayang magmura, gumanti o manuntok. Pero kung gagawin ko yun. Naayos ko ba ung conflict? Napabuti ba ang sitwasyon? Kung manalo man ako, masaya na ba ako non? Okay na ba yung win-lose situation? Yun na ba ang the best? Hanggang dun na lang ba ako? Mas mabuti ba yung win-win situation? Kung win-win situation ang gusto kong maachieve hindi ko hahayaang sya lang ang manalo dahil dapat panalo din ako. Para parehas kami. Pero ang problema, yun din ba ang gusto nya? Paano kung ang gusto lang nya ay palaging sya ang panalo? Palaging sya ang tama kahit may tama rin ako. Paano kung naka pad lock na ang isip nya na kahit anong pilit mo ay hindi mo sya mapapaniwala sa katwirang dala mo? Makakaasa ka ba ng pagkapanalo kung alam mong ang kalaban mo ay hindi magpapatalo? Karuwagan ba na sumuko ka na lang para hindi na maging kumplikado ang sitwasyon? Oo. Ang pagtigil ang the best na pamigil sa hindi tumitigil na usapan o awayan. Tumigil ka at titigil din yan.
Ano bang mapapala mo kung ikaw ang magparaya? Ibig bang sabihin na mas malawak ang pangunawa mo kung ikaw ang nagparaya o sadyang duwag ka lang kasi ayaw mong humarap sa problema na ayaw mong masukol dahil alam mong ikaw pala talaga ang may mali? Kung halimabawa sa isang magkaibigan o magkasintahan, ipipilit mo ba ang gusto mo kahit ang kapalit nito ay ang pagkawasak ng relasyon nyo? Oh magpaparaya ka na lang ba dahil nanghihinayang ka sa relasyon nyo na wala namang garantya kung mananatili o tatagal. Ayos lang manghinayang pero depende yun sa pinanghihinayangan. Lahat ng bagay mahalaga pero hindi lahat nararapat. Baka malay mo hindi pala para sayo kaya hindi mo natanggap o nakuha ang isang bagay. Bakit hindi para sayo? Kasi baka makasama lang sayo o kaya ay dahil hindi pa panahon para mapasayo. Hindi pa napapanahon na mapasayo kasi hindi ka pa handa. Kung handa ka na humanda ka ng tumanggap. Handa ka na bang tumanggap sa takdang panahon? Paano mo masasabing handa ka na? Handa ka na bang magpadaya? Handa ka na bang manahimik? Handa ka na bang magkibit balikat? Handa ka na bang mapabugtong hininga na lang? Kuntento ka na ba don? Oh gusto mo pa ng marami? Maraming paghahanda ang kailangan pero hindi sa paghahanda nauubos ang oras ng isang nagtatagumpay. Dapat may aksyon. Hindi puro paghahanda dapat may gawa. Hindi puro gawa dapat may dahilan sa paggawa. Bakit ka ba gumagawa? Bakit ka ba nagtitiis? Para kanino ka ba bumabangon? Wag mong isiping mapupunta sa usapang kape ang post na ito. Dahil kung kape lang ang kapupuntahan nito, aba’y nadaya ka. Padadaya ka ba? Lagok na… Galp galp.. Hmmmm. Nangingibabaw!